Picture
pagkatapos kong mailathala ang pahayag ko tungkol sa impluwensya ng facebook sa buhay ko, kinabukasan ang dami kong nagawa. hindi man ako nakapaglinis ng apartment namin, nakabili naman ako ng mga bagong palayok at gamit sa pagluluto (bihira lang kasi ako lumalabas ng bahay kapag wala akong pasok sa trabaho). matagal ko ng layuning gawin iyon, pero kanina ko pa lamang nagawa. nabutas ang bulsa ko, at hindi man lang nagpasalamat kaagad ang misis ko (kelangan ko pa mag tampo para sa isang salamat), pero ayos lang. bago na ang mga palayok namin! *tumatayo ang lahat at pumapalakpak*

tapos biruin niyo, nakapagguhit ako ulit pagkatapos ng ilang dekadang hindi man lang ako nakapagsketch. yan ang aso namin, si dopey. pwede ding tawaging dope (pag galit ka sabay dabog sa sahig) at dopya (pag gusto mong makipaglaro sa kanya). pwede mo din siyang tawaging cindy, dodoy, at kahit anong pangalan maiisip mo lalapit siya sa'yo. pakiramdam ko basta masayahin lang ang tono na gagamitin mo, aangkinin nya ang kahit kaninong pangalan.

wala naman talagang say-say ang post na to, gusto ko lang ibahagi ang iniisip ko bago ako matutulog. pakiramdam ko kasi ang dami kong na kamtan sa araw na ito. o, ano pang hinihintay niyo? balik na kayo sa mundo niyo. mamaya naman balik kayo dito pag may kabuluhan na ang mga sinasabi ko.